Sa ngayon, para na ulit akong boarder sa sarili kong bahay. Uuwi lang para maligo, o kaya kumuha ng damit, tas babalik na ulit sa opisina. Hindi na nga kami nagkikita ng mga magulang ko. Pag gising ko, tulog pa sila. Pag-uwi ko, tulog na sila. Hay.
Pero sa awa ng Diyos, di naman ako nagkakasakit. Walang vitamins at energy drink yan ha. Di naman ako pinababayaan ng Manager namin. Sinisigurado nya na kumakain ako kasi baka daw ako tangayin ng hangin. Wag naman sana.
At lately, nasangkot na naman ako sa isang mabigat na imbestigasyon. Hindi naman ako ang pinakang sangkot pero ako daw ang nag-trigger ng issue, kaya napakainit ko na ngayon sa buong Accounting Dept namin. Sana lang i-release agad nila yung mga request kong pera at P.O. diba. Baka ipitin e, nakakatakot.
At close na kami nila Geneila at Ate Hazel ha. Ka-berks na rin nila ako. Ganyan talaga, nagkakaintindihan kapag pare-parehong pagod na pagod at gamit na gamit.
May crush pala akong kasama sa work. Parang crush ko ata sya since last year pa. Ngayon ko lang ulit naalala. Kasi nga, close na rin kami. Ka-berks nga e. Kaso ayokong maging "another" woman noh. Usong-uso sa trabaho e.
Pero what if?
No comments:
Post a Comment