09 June 2008

Sinilip ko ulit ang !Gendou, hoping na baka mali lang ang pagkakabasa ko.

"Sorry, due to copyright concerns, downloading has been temporarily disabled."

Temporarily.

E ayun naman pala eh..! Kala ko naman, forever nang wala. Kelangan ko lang mag-antay. Sana hindi matagalan. Da't kasi nilubos ko na pag-download last time kong binisita yung site eh. Kahit nagbi-blink na yung DL:384, Donate: $0.00. At yan pa yung bago kong account. Kung isasama pa yung dati, nasa 450+ na dl ko. Wee~

Wala na kasi akong makita na iba pang magandang anime music dl site. O baka dahil sa andyan na yung !Gendou kaya di na ako nag-bother maghanap. Makasilip nga ng iba pa. Mahirap na, baka matagalan. Kaso parang napaka-leecher ko naman kung basta-basta ko na lang iiwan yung !Gendou, after years of service nya sa akin. Porke ba nag-down, hahanap na ako ng iba? Feeling ko tuloy di ako loyal. Sige na nga, sa kanya na lang ako lagi mag-ddl. Aantayin ko na lang ulit magbukas, kahit sobrang nakakalungkot.

Kaso sayang, walang OST ang Dragon Ball at Rurouni Kenshin dun. Yun pang dalawa sa pinakamalaking titles ang wala. Pati ata Yuyu Hakusho, wala din. Saka Sailor Moon. Hala, ang dami pala, kala ko 2 lang. Yun na lang siguro hahanapin ko sa iba.

Bakit ko ba 'to sinusulat? Wala akong magawa e. Ang bagal kasi mag-burn nung DVD writer ko. Ewan ko ba dun, di naman sya ganun dati. Akala ko sa isang pagkakataon lang. Walan'jo naman, di naman na nagbago. Parati na lang. De-tusok pa, ayaw bumukas pag pipindutin mo ung eject/open button.

Tas eto pang CD-R King ha. Parati ko binibisita sa SM, pati tatay ko inaabala ko para silipin ung branch sa Metro East. Aba, wala pa ding stock. Kamusta naman ang HD ko, 5gb na lang. Ilalagay ko na lang sa drive C namin yung iba kong download, itatago ko na lang. Baka may masabi pa kapatid ko e.

At si kuya naman, laging dala girlfriend nya dito sa bahay. Sana tumulong sa gawain ha, di na bisita e.

Ayan, tapos na ako mag-burn. Papatayin ko na PC. Ja~

No comments: