28 April 2008

nagtatampo ako

tinanong ako ng friend ko kung ano daw ba feeling kapag wala ka sa isang relationship tas lahat ng friends mo e may mga partners na.

hmm...

sa umpisa ayos lang. may mga pagkakataon na hindi mo sila agad mahagilap, kasi syempre, may dumagdag na sa sked nila. kumbaga, yun yung mga bagay na dapat e unawain mo na lang, kasi syempre, hindi ka naman nila pwede i-prioritize. ang childish naman kung ipagpilitan mo yung sarili mo sa oras nila. ganyan lang talaga buhay.

tas dadating din ang araw na nakakalungkot na. ang problema kasi jan, since ikaw lang ang walang partner, yung mga friends mo na yon lang ang kasa-kasama mo, sila lang ang kakwentuhan mo, kainuman mo, katambayan mo. sila lang ang maaasahan mo na magpapasaya sayo, sasama sayo, aalala sayo. kaso, dahil nga may mga significant other na sila, hindi pwedeng ikaw lang ang iisipin nila. maswerte ka na kung maisip ka pa nila, kahit once in a while lang ba. nakakalungkot talaga. parang nawala ka na lang bigla sa mundo nila. tas ikaw, naghihintay pa rin sa kanila.

pero syempre, wala ka naman magagawa kundi umintindi. kahit hindi ka nila i-text, o kaya mag-iwan man lang ng message sa ym, o kaya kahit tawag man lang sa telepono... ganun lang talaga.

nakakatampo kumbaga.

salamat francis, nakakaalala ka pa rin.

No comments: