22 February 2005
Haaayy...natapos din ang UP Fair. Tatlong araw na sunod-sunod din ako dun ha. Puro puyat, puro pagod (Lecheng mang-iisaw yan! Porke ang babait at ang sasaya namin, bigla kami inindyan!! Aba, pagkatapos ba naman ng third night, hindi na dumating! At hinayaan nyang kaming mga bibong bata ang magtinda ng mga isaw nya! Hmph!!) At dahil dun...ngayon...ako'y nilalagnat. Salamat sa Biogesic, medyo umayos na ako. Hala noh!! Walang oras para magkasakit. Sobrang daming kelangang gawin! Patapos na ang sem, ang daming papers, reporting, film showing, exams, org activities (oh, meron?) at kung anu-anong kamunduhang pinapagawa sa amin ng mga mapaghiganting mga propesor. At dumagdag pa yung kasal ng pinsan ko, at ako ay ang kanyang maid of honor (anu ba trabaho non? wala akong alam sa kasal kasi lagi ko lang sila tinutulugan sa likod ng simbahan) At yan na nga, sumasakit pa rin yung ulo ko, pero mas tolerable na siya ngayon. Buti... *sigh*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment